Friday, March 19, 2010

Ang Alamat ng Condom

Una sa lahat ay natutuwa akong makapagreklamo na ulet. Matagal din akong natahimik dahil sa masakit sa ulo mag-ayos ng sirang database. Kailangang himay-himayin pa at dahil sa nagmamarunong lang naman talaga ako pagdating sa mySQL, e natagalan ng husto. Hanggang sa tinamad na ako. Pero eto at nabuhayan ako ng loob na ayusin muli dahil may isang reklamo akong ayaw palampasin.

Nung nakaraang balentayms ay namigay ang DOH (Department of Health) ng condom sa mga magkakasintahan, mag-asawa o basta nakitang magkasama. Isa kase ito sa kampanya nila para mabawasan ang pagkalat ng HIV at iba pang sakit at bilang isang paraan na din ng family planning.

Pero ang mga obispong Katoliko ng CBCP (na alam naman nating lahat na sobrang kikitid ng utak) ay umariba agad sa pagbatikos sa DOH. Eto ang ilan sa mga naintindihan ko sa mga pinagdadakdak nila:

Imoral ang paggamit ng condom. Hindi ito nakalagay sa Bibliya kaya dapat hindi ito gamitin bilang family planning method. Dapat yung natural lang.
Kailangang magbitiw sa pwesto ang sekretarya ng DOH dahil ginagawa n’yang imoral ang mga Pinoy.
Hindi epektibo ang condom sa pagpigil ng pagkalat ng HIV at iba pang sakit dahil nakakalusot pa rin dito ang virus.
Masyadong maluluwang para sa mga pari ang mga condom na ginagawa sa Pinas kaya hindi nila magamit ng maayos.
Ang masasabi ko lang naman, e anong pakialam n’yo? Ha? Malaya kayong bumatikos kung gusto n’yo, pero yung paabutin n’yo sa pagpapababa sa pwesto ng sekretarya dahil sa pamimigay ng condom ay isang napakalaking katangahan. Oo, tanga ang mga obispo at pari na ‘to.

Hindi imoral ang paggamit ng condom. O ano mang artipisyal na birth control maliban sa sadyang paglalaglag ng sanggol o abortion. Mga ipokritong pari itong mga ‘to, akala mo mga banal na pinagtatanggol ang Bibliya. Tungkulin n’yo lang ang magpayo, hindi ang pilitin ang mga tao at ang gobyerno na sumunod sa kagustuhan ninyo.

Saludo ako sa sekretarya ng DOH dahil sa programa nilang ito. Mabuti naman at hindi s’ya nagpapadala sa mga daldal ng mga obispo. Sana ay ipagpatuloy pa n’ya ang ganitong gawin para mas maging aware ang mga Pilipino, at para lalong maasar ang mga lintek na paring ito. Hindi po imoral ang ginagawa ninyo. Marami talagang imoral na mga Pilipino. Kung talagang hindi kayang pigilin ang pag-iinit ng katawan nila, e mabuting bigyan na lang ng proteksyon para maiwasan ang mga bagay na pwedeng pagsisihan sa bandang huli.

Tungkol sa bisa ng condom laban sa sakit at pagbubuntis, isa ito sa mga pinakamabisa, sa sukat na 98%. Ibig sabihin sa isandaang magtatalik na gagamit ng condom, 2 lang ang pwedeng mabuntis. At ang 2% error na ito ay dahil sa maling paggamit. Pwedeng nabutas dahil sa expired, mali ang taguan, o sinadyang butasin. Pwede ring mali ang pagsusuot at pwede ring hindi talaga marunong gumamit. Hindi totoo na nakakalusot ang sperm o virus dito. Mismong hangin nga e hindi lumalabas pag pinalobo e, yun pa kayang virus o yung sperm cell. ‘Wag kayong nagbibigay ng maling impormasyon sa masa para lang magmukha kayong kapani-paniwala. Napaka-pathetic. At yung sinasabi ninyong dahil hindi naman 100% na mabisa ay kailangan nang i-ban, isang malaking katangahan. E di dapat lahat ng produktong hindi gumagana ng 100% e i-ban na ren? ‘Chura n’yo, mga walang magawa.

Ang maipapayo ko sa mga kapwa Pinoy, may karapatan kayong pumili ng birth control method. Kung ayaw n’yong gumamit ng condom, ayos lang. Pero kung gusto n’yo, ‘wag kayo maniwala sa sinasabi ng iba na hindi ito epektibo. Alamin lamang ang wastong paggamit. At kayong mga pari at obispo, ang iingay n’yo, manahimik kayong lahat!

Apir!

No comments:

Post a Comment